" />

Not an Ordinary Planner

Certified Positive Kevin Parungao

Una kong nalaman ang Certified Positive noong 1st Anniversary nila, kasama ko sila Kuya Marlon Molmisa and Kuya Vinci Glodove. Grabe yung event na yun, kahit parang ang intimidating, still na hook ako kasi mayroon pa lang ganoon.

Ang awesome kasi ang daming nare-reach out dahil sa planner na ito. Then na-meet ko na ung founders na still humble at napaka-approachable pa rin. Doon ko na sinimulan na suportahan ang organization and the planner.

Bumili ako ng dalawang Daily Interact Certified Positive Planner hindi para sa akin kundi para i-pangregalo, pero sabi nga, kung ano ang binigay mo babalik sayo. Then may nag-regalo din sa akin. Ang awesome lang! Nai-share din ung planner sa mga friends ko, kasi ang ganda ng loob, hindi lang basta planner, instant organizer!

As Influential Character sa DISC Personality, hindi ko linya ang maging organize: magulo ang gamit ko, magulo ang schedule ko, cellphone ko ang nagiging organizer ko kung saan nakakalimutan ko din na nai-lagay ko pala sa cellphone yung notes ko.

Mahilig ako mag “YES” kahit meron na pa lang gagawin ng araw na iyon. Kaya sobrang laking tulong ng planner.

  • Una, goal-setting sa spiritual life, schedule at finances.  Feeling ko nga required akong magsulat sa Certified Positive Planner.
  • Pangalawa, monthly  reflection with God, na-isusulat ko kung anu-ano ang mga nangyayari sakin. Nagsilbing Diary din ito kung saan na-ilalagay ko dun kung paano kumikilos si Lord sa buhay ko.
  • Pangatlo, lahat ng mga testimonies na nakalagay doon, na re-remind ako na bawat tao, may iba’t ibang storya ng buhay, at lahat talaga nakakaranas ng persecution, condemnation, sufferings and struggles but still it reminds me that no matter what happen, God is there for us.
  • Huli, basta ang laking tulong pati na yung nasa likod, ung mga stickers and mga notes, naga-gamit pang regalo.  Ang galing lang, all in one!

I use this planner to write everything na nasa isip ko, na-ilalagay ko na lahat ng mga events ko in life, talk, cell groups, event sa church, mission trips at hindi na ko basta nag-ye-YES ngayon kapag may nag-aaya sakin, sinasabi ko muna, “Wait check ko sched ko.”  

Sobrang thankful kay Lord na may ginamit na tao para magkaroon ng Certified Positive Planner, natuto na ko maging organize alam ko nakakatulong pa ko dahil sa dami nilang partners na nakakatulong to reach more souls for Jesus. Kasi pwede namang iba yung gamitin ko na planner  pero naniniwala ako na iba yung vision at mission nila para dito.

Salamat po! God bless Certified Positive Team!

Masasabi ko na ang Certified Positive Planner is not an ordinary planner na na-encounter ko.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

FREE SHIPPING
NATIONWIDE

* with minimum purchase requirements
close-link

Pin It on Pinterest

Share This